August 9th, 2005
UPCAT exam!
| |
(try ko pure tagalog)
Nung ika-pito ng Agosto taon dalawang libo't lima (august 7, 2005) ay kumuha ako ng UPCAT. Malas ko nga dahil pang-hapon ako (12:30nn-5:30pm). Buti na lang kasama ko ang aking kabarkada na si Ivy at ang aming kaibigan na si Roelie. Sa Malcolm Hall kami at sa pinakamataas na palapag ang aming silid kung saan kami kukuha ng pagsusulit. Malas talaga ako nung araw na yun sapagkat tatlong araw bago ang UPCAT ko ay hindi makalakad ng maayos ang kaliwa kong binti (tama ba?... ang tagalog ba ng left ay kaliwa?), may benda (tama rin ba?... ang tagalog ng bandage ay benda?) pa nga ang aking binti. Ang hirap umakyat ng hagdan pag pilay ka at sa pinakamataas pang palapag ng gusali. Halos naubos ang inerhiya ko sa pag-akyat pa lamang sa hagdanan. Buti na lamang hindi nakaka-bobo ang pagbawas ng enerhiya sa katawan kung hindi ay baka bagsak na ko sa UPCAT... bagsak naman talaga ako kahit anong mangyari eh... hehehe. Mahirap ang Science field sa UPCAT, ang Math field naman ay ayos lang ngunit may mga numero rin naman na mahirap. Nagkaroon rin ako ng bagong kaibigan sa pagkuha ng UPCAT at ang kanyang ngalan ay Marie. Ang dala ko lang na pagkain nung araw na yun ay chewing gum, isang m&m's peanut, at tubig at ang aking gamot. Masaya ako dahil natapos ko ang pagsusulit at nasagutan ko lahat... yun nga lang hindi ko alam kung tama ang mga sagot ko... ipagdasal niyo naman ako... hehehe. Pag-uwi ko ng bahay ako'y gutom na gutom at pagod na pagod ngunit kailangan ko pang mag-aral ng Physics sapagkat kinabukasan ay pagsusulit namin sa Physics... waaahhhh. Wala rin kuwenta ang pagpupuyat ko ng gabing yun sapagkat nawindang ako sa ibinigay na pagsusulit ni Ginoong Mitra sa Physics. Ngayong linggong ito (August 9-12) ay Quarterly Test namin... waaahhhhhhhhhhhh... Pigang piga na utak ko... wala na ngang mapipiga eh kasi bobong bobo na ko. Kailangan ko galingan ngayong taon sapagkat ako'y nasa 4th year na. Sige hanggang sa muli mga munting taga-basa ng aking walang kuwentang blog.
![]()
